26.4.06

Ang gulo niyo.

Kanina pa akong nagblo-blog hopping. Wala lang, wala na talaga akong magawa. Ito ang panget sa summer vacations eh, wala kang magawa tapos pag classes are on-going naman, 'di ka na magkanda-mayaw sa dami ng ginagawa mo at gusto mong magbakasyon. Labo rin ng mga estudyante kung minsan eh. Pero noong 3rd year ako, may nabasa akong article ng batchmate ko sa newsletter ng school namin na about summer vacations na boring. Ayon sa aking naaalala, sabi 'dun, hindi raw dapat maging boring ang summer vacations dahil daw sa totoo lang, napakaraming magagawa and at the same time, marami na rin matututunan. Oo nga naman, tama siya. Kahit na ba sabihin mong maghapon lang akong nakaupo rito sa malambot na salumpuwit sa harap ng aming computer eh, may mga natutunan naman ako. Hmm. 'di siguro talagang natutunan kundi nalaman.

Sabi ko nga kanina, nagblo-blog hopping ako. May tanong lang ako, requirement ba talaga sa mga blogs na mag-English? Wala lang, napansin ko lang. Ang dami nila eh. Sobrang dami. Parang tuloy ang jolog ng dating ko kasi tagalog. Actually, dating-dati, English lahat posts ko kaso lang habang tumatagal, nabobo ata ako at puro tagalog na ang tina-type ng mga daliri ko. Wala naman akong masamang tinapay para sa mga bloggers na English-tyffeng kasi karamihan naman sa kanila, correct grammar at oh sige na nga, may sense. Haha. Ang kapal ko. Minsan kasi yung iba, pa-conyo lang eh pero pag sinaid mo talaga kung ano man 'yung laman ng mga nakalagay 'dun sa blog niya, halos wala ka ring madidildil. Tulad nito may nalalaman pang yuck the native orcs so baho. Pa-conyo, pa-English effect pa eh walang laman ang mga sinasabi. Wala pang ginawa kundi laitin 'yung bansa niya na napaka-third world daw ayon sa kanya. Okay pa kasi siya kasi maganda-ganda kahit papaano sa mata 'yung mga makikita mo sa site niya 'di tulad niya na nagpupumilit pa eh 'di naman talaga magaling. 'Di ko sinasabi na dapat magaling kang mag-English kapag nagpopost ka sa blog pero sana, magpakatotoo nalang. Teka, ano ba'ng panget sa wika natin? Jolog kasi, ganun? Ewan, pero kung ako sa'yo at 'di mo talaga masabi, wag mo nang ipilit, tagalugin mo nalang.

Naalala ko, recently lang, noong GALs Cheering Competition sa La Salle, merong dalawang Assumptionista sa likod namin ng kasama ko, sabi ba naman 'dun sa kasama niya, why are you wearing green and brown, gosh ah, you so look like a puno. Hanep. Gustong-gusto kong pukpokin sa ulo 'yung nasa likod ko. Tag-lish. Ampf. Meron pa, you make ikot kaya the gripo more so that maraming water. Nyeta. Ano 'yun, for the sake na makapag-English ka lang eh, gaganunin mo? Ewan. Baka para sa iba, mababaw at walang sense na naman 'tong sinasabi ko pero 'di ba kayo nasasagwaan? Bat naman kasi 'di mo pa tagalugin kung 'di mo naman kaya? Ang laki talaga ng silaw na hatid ng mga Kano kaya andami talagang nagpapaka-trying hard na mag-Ingles.

Pero, 'di ko rin maitatanggi na talagang napaka intellectual ng dating mo kapag English speaking ka. Lalong lalo na kung fluent at 'di basta-bastang pagi-ingles ang pinamamalas mo. Medyo nakakalungkot nga lang kasi marami na talaga sa'tin, mas marunong pang mag-ingles kaysa sa makipagugnayan gamit ang sarili nating wika. Medyo natutulad na tayo sa mga koreanong nagkalat ngayon sa tabi-tabi na andito sa Pinas para mag-aral ng Ingles. Nagtataka lang ako kung bakit sila nag-aaral pa ng Ingles eh 'di naman nila ginagamit 'yun sa bansa nila. Aysus. 'Yung iba, sabi nila kailangan daw magaling mag-english kasi globalization daw na hanggang ngayon, 'di ko pa rin alam ang ibig sabihin. Eto lang ah, bat ang mga katoto nating Hapon, daig pa natin sa Inglisan eh mas maunlad pa sa'tin? Maunlad sila.

Alam mo kung bakit?

Kasi may pagmamahal sila sa kung ano'ng sa kanila talaga. Gets mo ba? Totoo sila. 'Di tulad natin na walang ginawa kundi mag-adapt ng mga kultura ng mga banyaga kasi akala natin cool. Ayan, kakaganyan natin, nadaig na tayo ng Thailand na dati, nagpapaturo lang sa'tin kung paano magtanim ng bigas at palay. O, wala na namang sense.

Isa pang nakakalungkot, ang daming gustong lumuwas sa ibang bayan dahil wala na raw pag-asa rito at ang panget talaga ng pamumuhay dito sa'tin. Eh kung subukan mo kayang baguhin? Sana man lang makatulong ka sa pag-bigay inspirasyon sa iba na baguhin 'tong kinatitirikan natin ngayon, diba?

Tagal nang ganito si Juan dela Cruz. Magmula pa ng andito pa 'yung mga mestizo na kumitil kay Rizal. Ganyan tayo eh, kaya napagsamantalagan, pinagsamantalahan at binusabos nang husto. 'Di pa tayo natuto. Hanggang ngayon asa ilalim pa tayo ng impluwensiya ni Uncle Joe. Aysus. Sampalatayang sampalataya tayo sa mga puting 'yan eh binubusabos naman tayo ng mga 'yan.

Tama na nga. Daldal ko.

**teka, baka sabihin naman ng isang makitid diyan na naiinggit ako sa mga magaling mag-English kaya ko 'to nasasabi. FYI, mataas ako dun. Haha. Kapal, yabang. Hindi, seryoso nga.

Labels:

25.4.06

Dami naman.

Pinalitan ko lahat. Tutal bago na rin ang URL at atbp., binago ko na rin ang layout pati yung tagboard. Yung sa tagboard, ayoko nga sanang baguhin kasi nagpapakasentimental na naman ako kaso lang, inisip ko na siguro panahon na para baguhin ko. Dami pa namang post ni bebeh dun. Matagal-tagal ko na rin palang 'di nakakausap si bebeh. Haha. Asan na kaya 'yun? (babae pa rin si bebeh)

Ayun. Kanina, sumakay ako ng trike kasi umalis ako. Noong pag-alis ko sa bahay, may nakasabay ako na kakilala. Nilibre ako kasi minsan lang naman daw kami magkasabay. Kahit na ba nakakahiya, pumayag na ako kasi mapilit eh. At saka, parang mas nakakahiya naman kung tatanggi pa ako. 'Yung tao na nga nag-ooffer, tatanggi pa ako. Noong pauwi naman, dapat 'dun ako uupo sa maliit na upuan sa loob, kaso lang, umalis 'yung lalake na nakaupo 'dun sa maayos na upuan at 'dun nalang siya umupo 'dun sa maliit na upuan. Galing. Tuwang-tuwa ako. Haha. Tapos nagkataon, kapitbahay ko 'yung katabi ko sa trike, ayun, libre na naman. Haha. 'Di ko alam kung nakakahiya pa ako dahil puro libre nalang pag nakikita ako ng mga kakilala ko. Aba, 'di ko naman sinabi na ilibre nila ako eh. Ewan ko ba. Ganun na nga siguro sadya ang mga Pinoy. Siguro 'yung iba, nanlilibre dahil sa pagpapasikat o kung anuman pero siguro meron talagang nanlilibre kasi wala lang, gusto lang talaga nila kasi nga raw minsan lang naman. Pasikat ka pa eh 7 pesos lang 'yun. Aysus. Tsss.

Isa pang napansin ko pag sumasakay sa trike, 'yung mga kasabay mo, ang hilig tumingin sa paa mo. Ayokong nagsusuot ng tsinelas (o sige, flip-flops para 'di masyadong jolog) kapag sumasakay ng trike kahit sa loob lang ng village o sa labas. Kasi, aminin ko na, 'di ganun kaganda paa ko. Mukhang abnormal kasi mas maliit 'yung hinlalaki niya kaysa 'dun sa ibang mga daliri. Pero siyempre pinakamaliit pa rin yung hinliliit. Ewan ko ba, lalo na 'yung kanina, tingin ng tingin. Eh buti nalang naka sapatos ako. Sige, mamatay ka sa inggit sa kakatingin ng chucks ko. Haha. XD Minsan naman, merong mga taong sobra kung makatingin. Para bang kakainin ka eh. Kung nakakatunaw lang talaga ang tingin, noong mga unang sakay ko palang ng trike, tunaw na ako.

Hindi rin masayang sumakay ng trike kung 'yung mga kasabay mo ay magkakilala. I mean, 'yung magkasama talaga sila. Hinding hindi maiiwasan na magchikahan 'yang dalawang 'yan. Masaklap pa kung magchismisan. Kung ano anong chismis maririnig mo. Andiyang, ka-relasyon na ni ano si kuwan, nabuntis ni kuwan si ano, may babaeng tinatago si ano kay kuwan o baka hiwalay na sina kuwan at ano. Kung ano-anong kuwan at ano yung maririnig mo. Hay. Ke-hilig nga naman ng mga Pinoy sa chismis. Susginoo. Aminin na natin, naging souce of entertainment na ng mga Pinoy ang pagchichismisan. Nakaeengganyo nga naman. Araw-araw, sa bahay, kapitbahay, barangay, paaralan, sa kanto, tindahan, showbiz, village, terminal ng trike, opisina, MRT station, pati sa blog, merong intriga at chismis. Naging bahagi na ng kultura natin.

Narinig ko sa TV habang nag-aayos ako ng gamit, si Sam Milby daw, bukod sa 'di regularly nagpapalit briefs eh, may BO pa, as in putok. Mmmmm. yan, chismis. Haha. Kadiri. Puro hygiene-related nalang 'yung mga chismax about kay Sam. Nyay.

May dalawa pang nag-IM sa'kin this week at nagtatanong kung alam ko ba raw 'yung chismis sa school. Haha. Kung schoolmate kita o batchmate at di mo pa 'yun alam, IM mo nalang ako. Haha. Napaka huli mo naman kung 'di mo pa alam 'yun. Tsss. Haha. :D

'Di lang talaga ako makapaniwala sa mga kumakalat-kalat na balita sa batch namin. Ngayong summer, nitong end ng school year actually, meron daw 1 plagiarist na kinasuhan, 1 repeater, 1 kickout, 2 summer class-takers. Ampf. Ganun ba kahirap talaga ang 3rd year at umabot sa ganun? 'Yung plagiarist na 'yun, siguro tamad at wala talagang magawa para sa term paper kaya nagkaganun. Tsk. 'Yung repeater, kung meron man talaga, sheesh. 3 units failed. 'Yung kickout, no comment. 2 summer class-takers, good luck at sana ayusin niyo na. Hay.. Nakakapanghinayang naman kung totoo man 'yung kickout thing. Bago ka tuluyang ma-kickout, it's either super bagsakis ka sa mga grades mo o kaya naman nag repeat ka na this year tapos bagsak ka na naman. Josko. Inulit mo na nga lang lahat eh. Manghinayang ka.

Sana naman hindi totoo. Parang kasing, nakakahiya. Ganun na ba talaga 'yung batch natin at 'yun ang kinahinatnan ng 5 taong nabanggit? Nakakapanghinayang. Mahal ng tuition natin. Lalo na next year.

Hay.. Mga chismis talaga. Sana 'di gaanong totoo.

Labels:

24.4.06

Nakailan ka na nga ba?

Nakailang blog na nga ba ako? I have been 'blogging' since grade 5--na kung tinuloy-tuloy ko at tininuan ko, talo ko pa si Kuya Bikoy(yay, feeling close) na blogging since 12 kasi ako, blogging since 10.haha. Wala lang. Di naman talaga 'blog' as in blog na nagpo-post. Blog as in gumagawa ako ng mga blogsites tapos after 1 or 2 posts, iniiwanan ko na kasi nakakatamad. Ewan. Kasi nung grade 5 ako, which was by the way when I was 10 years old, puro chat lang sa YM inaatupag ko (pag walang ginagawa) tapos ang mga kausap ko pa noon, mga foreigners at mga iilang pinoy din. Naaalala ko nagkukunwari pa akong 17-18 years old noon kasi walang kumakausap sa'kin pag sinasabi ko yung tunay kong age.

I even remember having an online friend of my same age. As in real age. She's Dylan, a half Filipino, half Korean girl based in USA. Siya yung pinakamatagal kong naging kausap sa YM noong bata pa ako. Noong holy week, dahil sa walang magawa at walang mga taong online sa YM, ti-nry ko ulit pumunta sa public chat room sa YM na matagal ko na talagang 'di ginagawa. Na-surprise ako nang pumunta ako doon tas nakita kong mga messages ganito:

13 f qc here, looking for a 12-14 m.. pm me. :D

Ewan. Ang landi. 'Di naman ako ganun katanda para sabihin 'toh pero nakakagulat kasi dati nung ganun yung age ko, which is by the way 2 years ago, walang ganun ganun. Meron, pero hindi aged 13 tulad ng nakita ko. Anyway, wala nang patutunguhan 'toh.

Balik 'dun sa tanong ko kanina, naka-ilang blog na nga ba ako? Ako, 'di ko rin alam. Noong grade 5 ako, naghanap ako ng lyrics ng isang kanta sa internet tas napadpad ako sa isang blog tulad nito. Ayun, 'dun ako nag start gumawa. Blogdrive, Blogspot, Xanga, Livejournal, Diaryland pa kung gusto mo. Ika nga nila, name it, I have it. Pati yung cheap na blog sa Friendster, pinatulan ko dati, dahil sa wala lang.. Trip ko lang gumawa. Pinakamatagal kong blog 'yung sa blogspot. Since 2nd year high school ako noon. Nagpaiba-iba ako ng URL kasi walang lang din, trip ko lang. Magmula sa iamannaclarissa, clariss-a-nalysis, snooze-deity, at clamansi-soda. Bat nga ba ako nagpa-iba iba ng pangalan ng URL. Actually, wala naman akong balak mag-iba noon nang biglang may nangyari. May tao kasi na ewan ko ba kung bakit ang laki ng galit sa'kin at kung ano-ano pinagsasabi sa tagboard ko. Pwede ba kasi diba, nanggamit pa ng pangalan ng ibang tao, muntik ko nang awayin 'yung tao na ginamit niya. Buti nalang cool ako. Haha. Yung taong 'yun, akala niya ata 'di ko alam 'yung ginawa niya pero alam ko, di ko nalang pinatulan since nakikita ko naman siya araw-araw. Eh sa ganun eh. We can't please everybody nga naman. 'Dun ako nag-start mag-iba ng URL kasi nainis ako. Ayoko nang mapuntahan pa niya 'yung blog ko kasi 'di na siya dapat magbasa. Kung binabasa mo man 'to ngayon, sorry sa mga sinasabi ko. Kailangan ko lang ikuwento. Makikila niyo sa taas, 3 beses akong nag-iba ng URL, di naman ibig sabihin nun 3 beses na may umaway sa'kin sa internet. Lupet 'nun. Haha. 'Yung huling dalawa, wala lang talaga akong magawa. For the sake lang talaga na may magawa ako.

Tapos kagabi..

Buwisit. Gustong gusto kong magmura kagabi nang nag-update ako tapos biglang lumabas yung message na An Error Occurred. nang gusto kong i-publish yung bago kong post. Hinayaan ko lang, nanghinayang ako kasi ang haba nun at saka feel ko may sense kahit papaano. Aba, nitong hapon lang, mga alas tres, ti-nry ko ulit, ayaw pa rin. Tinignan ko 'yung blog ko, wala. Hanep, username was not found daw. Ano na ang nangyari?! Nakakainis. Josko. Kaya pinalitan ko 'yung URL. Nyeta talaga 'tong blogger.


Sana nagloloko lang 'yung blogger. Hay. Fcukshit. -- ito 'yung iniisip ko nung isang araw. Actually noong isang araw pa ako hindi makapost hinahayaan ko nalang. Aba, ilang araw na ang nakalipas pero ayaw pa rin. Jolog.

O bat nga pala INDIONG MADILAW? Kung nabasa mo na ang Noli Me Tangere ni Rizal, familiar sa'yo 'yung name kasi meron doong tauhan na nagngangalang Taong Madilaw. 'Yun yung kapatid ni Lukas, 'yung taong may pilat sa mukha na may galit kay Crisostomo Ibarra. 'Yung Taong Madilaw, 'yun yung nagbalak paslangin si Ibarra sa pamamagitan ng panghugos na ginamit sa paaralan. Tonto kasi, kaya 'yun, siya 'yung nadali. -- Sheesh, parang nakapag kwento na ako ng isang kabanata sa Noli. Haha. O bat nga pala ito yung pangalan. Wala lang, 'yung term na Indio kasi, ginagamit sa pagtawag sa mga Pinoy. In short, Indi0 ako. Indio tayong lahat. Kahit na sabihin mo pang panlibak 'yun sa mga Pinoy, Indio pa rin tayo. Parang "Intsik" -- yun yung ginagamit natin na pantwag sa mga Tsinoy, diba? Pero 'di niyo lang alam, panlibak din yun sa kanila. Ganun lang din 'yun sa'ting mga Pinoy. O bat madilaw? ^_^ eh sa madilaw ako eh. Ewan. Baka may hepa. Haha. :D Kung kilala mo ako, alam mo kung bakit. Isa pa, ^_^. Slow ka kung 'di mo pa na-gets.

I am Filipino and proud. :D Kaya ganun. Next post bukas. Dami ko gustong sabihin. Antok na ako.

Labels:

April 23

"reunion" today. hay..

Noong unang sinabi sa'kin na may reunion, nag-isip ako kasi bakit magkakaroon eh incoming 4th year palang naman kami. Sheesh. I should have contacted our adviser and asked. Taena. Reunion pala nung isang batch bago kami kasi sila yung nag-grad. 'Yun ang tinatawag na false alarm. Panget. Mas marami pang pumunta sa batch namin kaysa dun sa dapat na andun.

Oh well, masaya naman kasi minsan nga lang naman 'yun mangyari na halos lahat kami andun. Ang hirap kaya nun noh, i-gather lahat ng tao from different schools. As in different. Meron namang schoolmates up to now. Pero minsan lang talaga 'yun mangyari.

I am disappointed. Super. Disappointed ako sa isang tao. Nako. What had happened? What have you done? Di mo man lang inalagaan ang sarili mo. Pfft. Gustong gusto ko siyang tanungin kanina kung bakit but I hesitated because of the thought that I might offend him. Hayhayhayhay. Lexxx. Akala ko pa naman you're still the same or even better kasi nakita ko sisters mo, ayos na ayos pa. Rawr

nakakapanghinayang. sayang. nakakainis. anokaba.

laboo. bat ba ako masyadong affected eh siya nga, parang hindi affected. mhm.

Anyway, I still don't know what to take up in college. I thought I have already been in my "enlightenment" stage, but NO! During the past weeks, I already knew what to take until something happened. Grrrr. Nakakainis ka.

Hwag kayo magbubuntis nang wala sa tamang oras at edad kasi ganyan ang mangyayari, pagchi-chismisan kayo. -- Haha. OO nga naman.

Bat ganun ang pinoy? Mahilig sa chismis. Chismis dito, doon. Sa bahay, kapitbahay, barangay, village, subdivision, school, kanto, opisina, showbiz, etc. Naging source of entertainment na ng mga pinoy yung pagchichismisan. Aminin na natin, wala sa'tin ang ni minsan ay 'di na-engganyo sa chismis. Sabihan lang tayo ng mga katabi natin ng uy, alam mo ba, si ganito, ganyan, nakikisali na tayo tas di natin maiiwasan na 'di ikuwento sa iba. Yun, chismis na. Tapos, nag-iiba, nagiging grabe kung minsan. Di ko 'to sinasabi dahil nabiktima ako ng isang karumaldumal na chismis o ano man, wala lang, naisip ko lang.

Speaking of buntis, bat parang andami kong nakikitang buntis dito sa paligid? Matanda, bata, nasa tamang edad, buntis. Ano kayang feeling ng buntis? Mabigat kaya yun sa tyan kaya mainit ulo ng mga buntis? O magaan lang? Malambot kaya tyan ng buntis o matigas? Yay. Dami kasi buntis sa paligid eh. Ayoko nang makakita ng buntisss. Please lang. Tapos pag pasok ko pa sa school this coming school year, makikita ko 'yung Biology teacher namin, preggy. Shaaaaaaks. Ayoko na sabi.

Takot ako sa mga buntis kasi masungit sila. Naalala ko yung Trigo teacher ko, ang sungeeet (I guess lahat mag-aagree) Sobrang sunget grabe. Nakakairita. Tas yung AP I na teacher ko naman dati, buntis nakakatakot kasi parang hingal na hingal na siya habang nagtuturo.. Parang manganganak na. Scaaarreeeeh.

Wala na naman sense.

San ka ba naman makakakita ng blog na about buntis ang topic? Pfft. Labo ko talaga kung minsan..

Labels: