Rpleksyon
This is a family I spotted taking advantage of a window-sill of an abandoned building in Escolta Manila for a place to sleep. Mother, father, are perched closed to the edge, while baby is small enough to sleep behind the safety of the grills.
I got this from Ala Paredes' deviantart gallery.
Wala lang. Ang sad kasi ang tila 'di nababawasan ang mga naghihikahos dito sa bansa natin. Parami pa sila ng parami. Ano ba kasing ginagawa ng mga tao natin sa gobyerno? Bakit ba imbis na pagtuunan nila ng pansin ang pagbibigay budget sa COMELEC para sa susunod na election, eh di nila pagtuunan ng pansin ang pagbibigay kabuhayan sa mga kababayan nating naghihikahos? Election na naman. Kaya nga tayo nage-elect ng mga tao para umupo sa kung ano-anong posisyon na 'yan eh para may mangyari namang pagbabago rito sa bayan natin.
Ayokong magsalita ng mga bagay-bagay ukol sa politika dahil wala naman akong alam d'yan. Isa lang akong quince años na estudyante na nasusubaybayan lahat ng nangyayari sa bayan natin. Hello, nasa linggatong na kasi 'yung bayan natin. Nakahandusay na ang Inang Pilipinas. Kailan ba ito babangon? Kailan ba mababawasan ang mga tulad nila? Nakakalungkot kasi eh.
Sana naman gumawa ng isang programa ang gobyerno natin na magbibigay ng trabaho sa mga tulad nila. 'Yung mga livelihood-based jobs. Masyado nilang pinagmamalaki 'yung call centers eh 'di naman lahat kayang pumasok 'dun. 'Di naman lahat computer-literate at magaling mag English. I have nothing against call center people pero sana naman matuon 'yung mga pansin nila sa mga tulad nila. Sabi nila pinagaganda nila ang Maynila. Oo nga, gumaganda na ang Maynila in terms of road widening, repainting, blah blah. Eh pano gaganda kung may mga tulad nila sa daan?
Hay nako. 'Di ko masisisi ang mga taong gustong lumuwas at sa ibayo nalang mamuhay. Sinasabi nila na paano na ang "love for country blah blah". Eh maging practical naman tayo, makakapag pakain kaya ng pamilya ang love for country?
I love Philippines. I love my country. Mahal na mahal ko 'to. Ipinagmamalaki ko na ako'y isang Indio. Pero sana, magkaroon naman ng pagbabago. Josko. In-elect niyo na nga 'yung sinasabi niyong makapangyarihang duwende dun sa palasyo na makakapagpa bangon sa'tin eh. Naka-ilang presidente na, noh. Gusto niyo na namang palitan.
Ang tagal ng pag-usad.. graduating na ako, o. Wala pa rin pagbabago.
Labels: high school