9.2.07

Maswerte ka lang

Malas talaga ako sa bunutan. Sa Bingo lang ata ako talaga sinuswerte. Biruin niyo ba, kanina sa Oral Spelling Bee, halos lahat ng nabubunot ng batchmates ko kaya kong i-spell. Isa pa, ang bingi ko talaga eh. Gynecologist--Gynecology. Haha.

Yung Jam Session, okay naman. Okay naman. Consistency is not really my thing. Oh well, eh hindi eh, anong magagawa ko. At least hindi naman nagmukhang gago. Bakit, mukhang gago ba? Haha.

Labingisang asignatura. Lampas sampu. Walang nang mas magiging pabaya kaysa sa akin. Pero kahit papaano, wala naman akong palakol. SUBUKAN LANG NILA BIGYAN AKO. Kahit naman hindi ako masyadong nag-aral noong nakaraang markahan, masasabi ko pa rin na medyo angat pa rin ako sa iba--maliban na nga lang siguro sa Matematika at Pisika. Lagi naman eh. Sige, mag-Biolohiya tayo. Tignan natin kung sino'ng lilitaw. Bwisit, ang yabang. Nakuha ko na kasi 'yung kard ko kanina imbis na bukas kasi kailangan ko bukas nang maaga eh.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa--wag kayo maniniwala rito kasi hindi totoo. Minsan mayroon Siyang mga taong hindi kinaaawaan. O baka pinipili Niya lang. Eh pero, may Diyos nga ba?

I'll leave you thinking that.

P.S. Nanghihinayang ako na sa sobrang pagkagago at bobo ko kanina, hindi ko nasabi sa speech ko 'yung: Pananagutan and Paninindigan--these are two very precious Filipino values that we unfortunately don't have. If only Juan dela Cruz would wholeheartedly live with these, our Lupang Hinirang would be the place we always dreamt of. If only Juan dela Cruz would finally learn these Filipino values, Arete, Kleos and immortal celebrare would be within each and every Filipino's reach.

Well you know, some people could be just merely stupid after all. It's just not your fate this time, as Ria puts it. [O, meron na namang nagbabasa dyan na magbibigay ibang kahulugan dito. Fudge you.]

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home