1.9.05

I can be a "user-friendly" like you, girl!

it really keeps on bothering me... and it keeps on running across my mind... another "user-friendly" added on my list.

ikaw na nga 'tong namromroblema, tinatanong kita ng maayos kung anong problema mo, tama bang itulak ako at sabihing "umalis ka nga dito!" sa harap ng dalawang batchmates at ako pa ang napahiya dahil sinubukan kong i-comfort ka... aba. at nang ika'y sinubukang i-comfort ng iyong mga "tunay" na kaibigan, aba.. hindi mo sila itinaboy ng tulad ng ginawa mo sa'kin....

nang inisip ko ang mga bagay na nangyari, parang may nagsabi sa'kin: "hoy, gumising ka na. imulat mo nang mata mo." ako ba'y kaibigan mo o ginagamit mo? hindi na rin ako magtataka dahil nang makilala kita noong nakaraang taon, parang ganun na rin ang tingin ko sa'yo...

kung gamitan din lang ang nangyayari, wag mo isipin na tanga ako at di ko alam ang mga ginagawa mo. magkakasama nalang turingan natin. nakakayamot. sayang. nakakapanghinayang...

isa pa.. ang hilig mong mang-iwan. kung iwanan lang din ang patutunguhan nito, asahan mo... uunahan kita.

I am no exception when it comes to leaving people and using people. I sometimes over-use people and don't let yourself be one of the people that I have over-used. I dump. I leave. I humiliate. I curse. I loathe.

Miss ko na talaga yung best friends ko... Wala pa akong nakikitang tulad nila... Paola, Krizza, Hannah, Chynna, Lex... hmm.. mga tulad nila na di nakakalimot kahit na hanggang ngayon... di tulad ng iba na may makausap lang na isa eh mang-iiwan na...

Mang-iiwan! Lakas ng loob mong mantaboy. Di na kita dadamayan sa susunod. Kapal. Nakakainis. Gamitan kung gamitan. Magkalimutan ng pinagsamahan. Unahan sa pag-iwan. Bahala ka.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home