17.5.06

Hindi Mapakali

Pinalitan ko 'yung layout nito kasi wala akong magawa. NANAMAN. Hindi naman sa wala talagang magawa as in totally walang magawa. May pinagkaka-abalahan naman ako nitong mga araw na ito. Wala, trip ko lang talaga since alam ko naman na ang jolog talaga 'nung isang nakaraang layout.

Noong Sunday pala, birthday ni Tito [actually Lolo] Tony. Noong una, akala ko, si Tita Merlie 'yung may birthday kasi siya 'yung nagte-text sa mga tao nito: Wear long-sleeved polo or a very beautiful dress tomorrow night.

'Yun exactly 'yung messages na kumakalat sa angkan. Since special request 'yun, sumunod naman kami. at saka, bagay naman sa venue 'yung attire. Dapat naman talaga semi-/formal talaga 'yung attire. 'Wag mo na itanong ang suot ko. Siyempre, color green na naman 'yun tulad lang nung prom.

Ang tahimik 'dun sa party. Literal na tahimik. Kasi sina Tita Merlie at Tito Tony ay disabled. Deaf and mute. They weren't born with that disability, accidents led them to their disability. For Tita Merlie, she got deaf due to medication overdose at age 3. She really isn't mute but since she got deaf at an early age, she wasn't able to learn speaking different words. Sa case ni Tito Tony, all I know is he experienced an accident when he was 5 years old and that led him to being deaf. His right/left ear could still hear a little bit that's why unlike Tita Merlie, he is of knowledge of more words. He is also able to drive despite his condition.

Oh well, back to the silent part. "Party ng mga pipi" as my cousin, Inna calls it. Of course, 75% of the party's population was composed by the deaf and the mute. It's weird seeing a lot of people around you conversing by stroking their hands and making gestures. The program itself was also 'sign-languaged'. Waaah. Oh well, at least, the celebrant enjoyed naman. Haha. :D

Yey! I've got a new UPCAT form na! Tiniklop kasi at nilukot ng isang pesteng tao rito. 'Di ko alam kung sinong nagtiklop, natural, walang aamin dahil alam nilang galit na galit ako. Salamat nalang kay Inay na kinuhanan ako ng bagong form sa UP. :)

Ayoko talagang magbakasyon sa bahay ng lola ko. Errrr. Bwisit talaga. Ang sama ko. :( Eh kasi.. basta. May mga bagay-bagay na 'di ko maaring ilagay dito pero.. Rawr. Kahit kapatid ko, ayaw magbakasyon doon eh. Baka nga pala pumunta ako sa school bukas para i-submit 'yung form ko for UPCAT -- ito ay kung makapag-decide na ako finally sa course na kukunin ko. Ang dami kasi eh. Akala ko madali lang talaga pumili ng course pero habang tumatagal, nalilito lang ako lalo.

I-aadvance ko na 'yung oras nitong entry na'to. Haha.

Happy sixteenth birthday, DANIELLE VIARDO! I super duper miss you!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home