30.4.06

O, ano na?

Nagsimba kami kanina ng kapatid ko. Oo, kami ng kapatid ko, as in kaming dalawa lang. Kagulat 'yun. Uhhm, actually, 'di naman kagulat since wala naman kaming kasamang dalawa kaya kami nalang. Actually, okay na okay naman kami ng "anak" ko. Haha. Kapag inaasar ko siya, "anak" tawag ko sa kanya kasi sobrang inis na inis siya pag ganun. Haha. Ako naman, gustong-gusto kong inaasar siya kaya patuloy ko siyang tinatawag na "anak" haha. Tulad nalang kanina: oi, anak, magsisimba na tayo, maligo ka na. baho mo. Haha. Lupit kong 'nanay'. Haha. Kanina pala, habang kinakausap ko siya (si anak), may dumaan na kapitbahay tapos napatingin. Feel ko, iniisip niya may anak talaga akong tinatago. Haha. Baka bukas, malaman ko nalang na na-chismis na akong "teenage mom". Haha. Hanep yun. Walang magawa.

Balik tayo, sabi ko, ayos na ayos naman kami ni kuya. Kahit na 7 years akong mas matanda sa kanya. Siguro kung babae siya, 'di kami okay. Ewan. I actually find a hard time dealing with younger girls. Haha. Labo.

Parang gusto ko nang mag-aral sa Ateneo. Ewan ko kung ano'ng pumasok sa isip ko. Nalalabuan nga ako eh. Since bata pa lang ako, UP na talaga dream school ko. As in UP lang ata ang alam kong magandang paaralan. Ay, hindi pala, nung mga 7 years old ako, palagi kong sinasabi na sa La Salle ko gustong mag-aral. Ang dahilan? Kasi ang sarap ng pangalan ng La Salle sa tenga. Subukan mo, say "De La Salle" in a very nice conyotic accent. Diba sarap sa tenga? Pero, naglaun din, halos isuka ko na ang La Salle dahil sa mga kwento ng tita ko na La Salle mismo grumaduate. Kaya, UP na talaga. One thing pa kaya gusto ko ang UP kasi, I am surrounded by UP people. Hindi, mali 'yun. I am surrounded by UP and Ateneo people. Pero mas maraming UP people. Pero gusto ko talaga UP kasi iba eh. Iba pag 'dun ka.

Kanina, nagre-review ako, tas sumasagot ako ng ACET stimulated, parang gusto ko na tuloy mag Ateneo. Ewan. Ang labo ko talaga.

Alam ko na pala kukunin ko sa college. BS Behavioral Sciences na talaga. :)

Wala akong gustong course sa Ateneo. Baka BS Psychology 'yung ilagay ko sa application.

Labo. Wala na naman akong magawa.

Nanonood na pala ako ng Pinoy Big Brother ngayon. As in 'tong edition na 'to yung first kong napanood sa buong buhay ko. Hmm. Ayos lang yung show. Ang 'di ko lang gusto ay yung masyado silang madrama at saka may mga "lurrve" stuff sa loob. Yun na yung kabataang pinoy ngayon. Nako, kung tulad lang din nina Bam at Niña 'yung kabataan ngayon at sinasabing pag-asa ng bayan, wala na talagang pag-asa ang bayan. Hanep sa landi si Niña. You're from Ateneo, do you know.. Sheesh. Nako. Di ko kaya yung ginagawa nila sa loob na nilalabas nila lahat lahat ng mga bagay-bagay ukol sa buhay, pamilya nila. Kung ako siguro 'yun at nilabas ko lahat lahat, di ko nanaising lumabas dahil gulpi mula sa magulang ko ang nag-aabang sa'kin. Kahit na sabihin pang naiinis talaga ako sa mga kasama ko rito, ayoko naman na mapahiya sila nang ganun. At, ako rin ang mapapahiya. Nakakatawa talaga sila kasi may kanya-kanya silang drama. Iyak dun, iyak dito. Iyak si ano, iyak si kuwan. Iyakan to the max. Patok si Aldred, na umalis na, umiyak dahil walang ma-kwento. Hanep.

Di ko pa alam kukunin ko. Eto na pinapipiliian ko ngayon:

  • Behavioral Sciences
  • BS Psychology
  • BS Public Health [Basic Medical Sciences]
  • BA Sociology [inspired by Kuya Ikyan]
  • BS Biology [this is love. haha.]

Birthday ni Danielle. haha. :D





Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home