22.10.06

aaaack!

Ang tamad tamad ko.... dalawang araw na akong nag-aaral ng Economics. Kelan ba ako uusad sa Accounting?! Sheesh. shitputangina.

huling "skim" ko na 'to sa Econ. Kagabi, sinusulat ko lahat, binasa ko lahat. Ngayon, kakabisaduhin ko na lahat ng nasa Notebook. At kung hindi ko man makabisado, at least may alam ko. Imposible naman na wala akong maalala sa mga binasa ko.

Ayokong maging kabisote. Patay na bukas. Physics na ang aaralin ko bukas. Wala na talaga. Wala nang oras para sa Scouting at PE. Kung anong stock knowledge ko sa mga subjects na yun ang pag-asa ko. Rrrr. Sana kasi Physics lang mag-isa eh. wala nang kasabay na subjects. parang naman kasing madali lang yun, diba? Sheesh.

Hindi na ata ako aabot sa kaarawan ko sa susunod na Martes. Sa dami ng konsumisyon, perwisyo at stress ko sa buhay. Malalagutan ako ng hininga bago dumating ang araw ng Martes sa susunod na Linggo. Malalagutan ako ng hininga. Sheesh. Ang corny.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home